Western Union Remittance
Filipino | English
Western Union
Paano ko makukuha ang aking Western Union remittance sa pamamagitan ng aking GSIS UMID Card?
 

Ihanda ang iyong Western Union Money Transfer Control Number (MTCN) at ang mga detalye ng iyong GSIS UMID Card.

Tumawag sa UnionBank Customer Service Hotline sa 841-8600, i-dial ang 7 para sa Western Union, at pakinggan ang mga tagubilin.

Makinig at sumang-ayon sa Terms and Conditions ng Western Union at UnionBank.

Isang UnionBank Customer Service Representative ang tutulong sa iyo sa buong proseso.

 
Mga Kadalasang Tanong:
 

Ano ang bagong serbisyong ito?
Sa serbisyong ito, makukuha mo ang iyong Western Union remittance sa iyong GSIS UMID Card sa pamamagitan ng isang tawag lamang.

Sino ang maaaring gumamit ng serbisyong ito?
Ang lahat ng mayroong aktibong GSIS UMID Card ay maaaring gumamit nito.

Paano ko magagamit ang serbisyong ito?
Tumawag ka lang sa UnionBank Customer Service sa numerong 841-8600, i-dial ang 7 para sa Western Union, at sundin ang mga tagubilin.

Ano ang kailangan ko upang magamit ko ang serbisyong ito?
Ihanda mo lamang ang iyong Western Union Money Transfer Control Number (MTCN) at ang mga detalye ng iyong GSIS UMID Card.